Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon.
Matapos makalikas sa mga gusali ay sama-samang nag-duck, cover, and hold ang mga empleyado at nagtungo sa mga designated evacuation areas sa loob ng compound.
Pinangunahan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis para matiyak na ligtas ang mga gusali sa ‘pagyanig’.
Ang NSED ay bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan sa mga lindol at iba pang sakuna na maaaring tumama sa lungsod.








