Nakiisa ang Quezon City Government sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Sa EDSA People Power Revolution, ipinahayag ng mga Pilipino ang pagtutol sa diktadurya sa ilalim ng pamamahala ni dating pangulo Ferdinand Marcos Sr. Dahil sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos, natuldukan ang mahigit dalawang dekadang diktadurya, at naibalik ang demokrasya.
Nag-alay ng bulaklak ang pamahalaang lungsod sa People Power Monument, sa pangunguna nina QC Council Majority Floor Leader Aly Medalla, Coun. Vincent Belmonte, QC Police District Director PBGen. Randy Silvio, at mga department head.
Nagbigay din ng pagpupugay ang iba-ibang ahensya ng pamahalaan at mga organisasyon, sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines.








