Bilang bahagi ng selebrasyon ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa Lungsod Quezon, nagdaos ang QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO) katuwang ang Human Resources Management Department (HRMD) ng General Assembly para sa QC Persons with Disability sa Risen Garden, Quezon City Hall.
Dumalo ang nasa 600 persons with disability at nakiisa sa pagpili ng bagong head ng PDAO na magsisilbing representante ng kanilang sektor alinsunod sa RA NO. 10070.
Nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte at tiniyak niya sa sektor ang buong suporta ng Lokal na Pamahalaan upang lalo pang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan sa Lungsod Quezon.
Dumalo rin sa programa sina PDAO OIC Deborah Dacanay, HRMD head Atty. Noel Del Prado, at mga kawani ng Social Services Development Department.