Nagsilbing keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa 46th Annual National Covention and Seminar ng Government Association of Certified Public Accountants Inc (GACPA) na idinaos sa QC M.I.C.E Center.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy ang mga nakamit Lungsod Quezon dahil sa maayos at tapat na pamamahala sa Lokal na Pamahalaan.
Dagdag pa ng Alkalde, kusang magtitiwala at susuportahan ng taumbayan ang gobyerno kung tama ang paggamit ng kaban ng bayan para sa iba-ibang programa at proyektong ipinatutupad at napapakinabangan.
Dumalo sa programa ang mga opsiyal ng GACPA na sina City Accountant and GACPA President Ruby Manangu, Executive Vice President Atty. Eugenio R. Dizon, Advisory Council Atty. Alexander Juliano, PICPA National President Roland Cafe, Civil Service Commission Assistant Commissioner Atty. Ariel Ronquillo, Atty. Lourdes Pacao mula sa Cooperative Development Authority, GACPA advisers at mga miyembro nito mula sa iba-ibang sangay ng gobyerno.




