Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sama-samang dumalo ang mga magulang ng children with disabilities sa seminar ng Social Services Development Department bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 48th National Disability Rights Week sa Quezon Memorial Circle.
Tinalakay sa programa ang pagiging safe space ng lungsod, mga anti-bullying initiatives, at pagpapalawak ng kaalaman ng mga magulang para mapaigting ang proteksyon sa mga kabataan.
Bilang inklusibong lungsod, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang pangangalaga sa mga karapatan ng bawat taong may kapansanan.










