Sa Quezon City, lahat kasali at kasama sa pag-unlad!
Daan-daang children with disabilities mula sa iba-ibang lungsod ang dumalo sa ika-49 Camp Pag-ibig sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.
Sa Camp Pag-ibig, na inorganisa ng Philippine Association for Intellectual Disabilities (PAFID) Inc at Quezon City Government, sari-saring programa ang inihanda para sa mga bata. Mayroong mga dancing, drawing, at singing activities para sa kanila.
Naroon din ang emotional support animals ng QC Animal Care and Adoption Center para magpasaya sa mga kalahok.
Nakiisa sa aktibidad si Mayor Joy Belmonte, kung saan kinumusta at binati niya ang mga bata at kanilang mga magulang. Tinitiyak ng lokal na pamahalaan na inklusibo at child-friendly ang Quezon City.
Naroon din sa Camp Pag-ibig sina PAFID President at dating konsehal Jorge Banal Sr., Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay, Alan Silor ng Manila Water, Christian Baluca ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at mga kinatawan ng Schools Division Office at JCI.




