Isang pagbati sa mga benepisyaryo na nagsipagtapos sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw!

505 pamilyang QCitizen ang natulungan ng naturang programa na naglalayon na mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng cash grant mula sa pamahalaan.

Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Dir. Monina Josefina Romualdez ng DSWD-NCR ang pagtatapos ng mga beneficiaries. Sila rin ay binigyan ng certificate of recognition mula sa DSWD.

Nakiisa naman sina Ms. Rowena Macatao ng Social Services Development Department, Coun. Joseph Juico, City Council Chairman of Committee on Social Services, Mr. Rogelio Reyes ng Public Employment Service Office, at Dir. Emmanuel Borromeo of Department of the Interior and Local Government-QC.