Mabuhay ang Kooperatibang Pilipino! ![]()
Nagsilbing panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa idinaos na 4th Metro Manila Cooperative Congress sa M.I.C.E Center sa City Hall ngayong Sabado.
Ayon sa Alkalde, importante ang ginagampanan ng mga kooperatiba na layong mapaunlad at palakasin ang iba-ibang sektor at komunidad sa bansa.
Inihayag din ni Mayor Joy ang mga hakbang at programa ng lokal na pamahalaan na sumusuporta sa mga kooperatiba sa lungsod.
Dumalo sa programa sina Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office head Mona Yap, Cooperative Development Authority Chairperson Usec. Alexander Raquepo, One-Cooperative Federation Chairperson Marlon Roño, Union of Metro Manila Cooperative Chairperson Fr. Anton Pascual, QC Union of Cooperatives Chairperson Annabelle Espino, at mga miyembro ng iba-ibang kooperatiba.








