Nakiisa ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa ginanap na 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill na pinangunahan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa QC Hall.
Iba-ibang scenario ang isinagawa tulad ng fire suppression, high angle rescue, clearing of debris, Alternative Temporary Shelter, pagtayo ng Treatment and Triage facilities, distribution of hot meals, Rapid Damage Assessment and Needs Analysis, Management of the Dead and the Missing, at looting incident.
Ibinida ng QC ang mga rescue operations equipment nito tulad ng unmanned fire fighting equipment na LUF-60, mga ambulansya, at fire trucks na maaaring magamit sa pag-rescue sa mataas na gusali. Ipinakita rin ang mabilis na pag responde ng mga Urban Search and Rescue team at kapulisan sa iba-ibang insidente.
Kasama sa drill ang mga miyembro ng QC DRRM Council tulad ng Bureau of Fire Protection, Department of Engineering, Parks Development and Administration Department, Department of Sanitation QC, City Health Department, Social Services Development Department, Department of Building Official, Department of the Interior and Local Government QC, Department of Public Order and Safety, Traffic and Transport Management Department at QC Police District.
Layon ng NSED na magsanay at maging handa ang mga QCitizens tuwing may lindol.