Nakiisa si Mayor Joy Belmonte kasama ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw.
Nagsama-sama ang mga empleyado sa pagsasagawa ng duck, cover, and hold drill habang lumilikas mula sa mga government buildings.
Pagkatapos ng drill, pumunta ang mga empleyado sa mga itinakdang evacuation areas sa loob ng compound.
Isinagawa rin ng QC Rapid Damage Assessment and Needs Analysis Team ang pagsusuri sa mga apektadong gusali.
Ang NSED ay bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang maging handa sa mga kalamidad na maaaring tumama sa lungsod.