Pinangunahan ni Rogelio L. Reyes, Head ng Public Employment Service Office (PESO), ang ika-apat na Quarterly Meeting ng Quezon City Program Implementation Sub-Committee on Child Labor (QC-PIC).
Masusing tinalakay sa pulong ang roadmap ng Zero Child Labor campaign, na naglalayong tuluyang masugpo ang child labor sa lungsod. Nagkaroon din ng alignment at resource mapping upang matiyak ang epektibong implementasyon ng mga programa para sa susunod na taon.
Dumalo si Ms. Kimberly Afundar, kinatawan ng Philippine Children’s Ministry Network, upang ibahagi ang REACT Project na tumutugon sa mga isyu ng Child Labor at Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC). Samantala, nagbahagi naman si Mr. Ryan Roberto Delos Reyes ng DOLE-NCR ng mga mahahalagang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) 2023 Special Release on Working Children Situation, na nagpakita ng bahagyang pagbaba ng mga kaso ng Child Labor sa rehiyon.
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang mga hakbang at mekanismo para sa mas epektibong kampanya laban sa Child Labor at OSAEC, habang patuloy na itinataguyod ang proteksyon at karapatan ng mga bata sa Quezon City.