Upang mas mapaigting pa ang ugnayan ng pamahalaan at business sector ng Quezon City, isinagawa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Quezon City (PCCI-QC) at QC Government ang 4th Quezon City Business Conference sa Novotel Manila sa Cubao ngayong araw.

Bilang keynote speaker sa programa, binigyang diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng mabuting ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor sa pagsusulong ng good governance. Ayon sa kanya, ang progreso o pag-unlad ng isang lungsod ay bunga ng pagtitiwala ng pribadong sektor sa pamahalaan.

Hinimok din ng alkalde ang mga negosyante at business executives na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa pagsasagawa ng mga programa at proyektong tunay na may epekto sa pamumuhay ng bawat QCitizen.

Kabilang sa mga dumalo sa business conference sina QC Council Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente, Business Permits and Licensing Department Head Ma. Margarita Santos, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office Head Mona Celine Yap, Local Economic Investment Promotions Office Chief Jay Gatmaitan, Climate Change and Environment Sustainability Department Head Andrea Villaroman, PCCI-NCR Regional Governor Sarah Deloraya-Mateo, at PCCI-QC President Arch. Alfred Carandang.