Nagsilbing isa sa mga panelist si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na 4th Urban Economy Forum (UEF4) kung saan ibinahagi ng alkalde ang mga hakbang at programa ng pamahalaang Lungsod Quezon upang bigyang solusyon ang climate change.
Ang UEF ay pagtitipon ng mga financial institution, economic organizations, urban practitioners, at stakeholders, mga lider at iskolar mula sa iba-ibang bansa para talakayin ang Sustainable Urban Development.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang ilan sa mga makakalikasang programa ng QC tulad ng Trash to Cashback, pagpapalaganap ng alternatibong transportasyon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng bike lane network, solarization ng mga city-run hospitals, pampublikong paaralan at government offices, pagbawas ng plastic waste, urban farming at iba pa.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagkamit ng sustainable at climate ready na lungsod para sa mga QCitizens at sa hinaharap.