LAHAT NG BATA KASAMA SA PAG-UNLAD! ![]()
![]()
Nakisaya ang mga children with disabilities mula sa iba-ibang lungsod sa ika-50th Camp Pag-ibig na idinaos sa Quezon Memorial Circle ngayong Linggo.
Napuno ito ng mga aktibidad tulad ng drawing, dancing, camping, singing, at iba-ibang palaro.
Pinarangalan ng Philippine Association for Intellectual Disabilities (PAFID) si Mayor Joy Belmonte at ang Pamahalaang Lungsod Quezon para sa patuloy na suporta at pagkalinga sa children with disabilities.
Nakihalubilo rin sa mga kabataan ang mga emotional support dogs ng City Veterinary Department.
Tumayong kinatawan ng Alkalde si QC Persons with Disability Affairs Office head Debbie Dacanay, kasama sina PAFID President Jorge Banal Jr., VP Alphonsus De Alban, VP Dr. Teresita Inciong, at mga partnered organizations.








