Idinaos ng pamahalaang lungsod ang banal na misa sa Quezon Memorial Circle bilang bahagi ng pista at selebrasyon ng ika-50 taon ng pagkilala sa Our Lady of La Naval bilang patron ng Lungsod Quezon.
Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte, Rep. Marvin Rillo, mga konsehal, District Action Officers, mga department heads at kawani ng pamahalaang lungsod sa misa.
Binasa rin ni Coun. Irene Belmonte ang City Council Resolution SP-9438 S-2023 kung saan idinedeklara ang Oktubre bilang buwan ng selebrasyon ng pagkilala sa Our Lady of the Rosary of La Naval bilang patron ng Quezon City.
Nagtanghal naman ang Philippine Madrigal Singers kasunod ang makukulay na fireworks display. Ihahatid na muli ang imahen ng La Naval sa Sto. Domingo Church matapos ang ilang araw na pamamalagi nito sa iba-ibang distrito sa QC.