Congratulations, Class of 2025!
Nagsilbing panauhing tagapagsalita si Mayor Joy Belmonte sa ika-65 Thanksgiving and Grade 12 Commencement Exercises ng Saint Pedro Poveda College.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang kanyang naging paglalakbay mula sa pagiging estudyante hanggang sa pagiging lingkod-bayan.
Nagbigay inspirasyon din ang alkalde sa mga mag-aaral na isabuhay ang pananampalataya, serbisyo, at malasakit sa kapwa –mga pagpapahalagang kanyang baon mula sa Poveda.
Dumalo sa nasabing okasyon sina His Excellency, Most Reverend Charles John Brown, St. Pedro Poveda College President Ms. Rosalinda Basas, School Principal Ms. Mary Ann Lozada, at iba pang opisyal ng paaralan at Teresian Association.
Inihayag ni Mayor Joy sa mga kabataan na sila ang kinabukasan ng bayan, at nasa kanilang mga kamay ang kakayahang hubugin ang isang makatarungan at maunlad na lipunan.




