Malayo man ang ating narating, pero malayo pa ang ating lalakbayin.

Ibinida ni Mayor Joy Belmonte ang mga napagtagumpayan ng Quezon City ngayong taon, sa kanyang ikalimang State of the City Address.

Sa kanyang SOCA, binigyang-diin ni Mayor Joy ang pagpapatuloy ng mabuting pamamahala, sa pamamagitan ng mga programa at proyekto tungkol sa pagpapaunlad ng business ecosystem, pagpapabuti ng social services, pagsasaayos ng mga imprastraktura, at pagpo-protekta sa kalikasan.

Ayon sa alkalde, ang bawat panalo ng QC ay bunga ng de-kalidad na serbisyo ng mga kawani at pakikiisa ng bawat QCitizen sa mga proyekto ng lungsod.

Ibinahagi naman ni Vice Mayor Gian Sotto ang kanyang legislative report, kung saan inilatag niya ang mga landmark ordinances na naipasa ng Quezon City Council.

Ang ikalimang SOCA ni Mayor Joy ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa national agencies, opisyal ng lokal na pamahalaan, department heads, at barangay officials.

+59