MAKABATA ANG LUNGSOD QUEZON!
Bilang pakikibahagi ng Lungsod Quezon sa selebrasyon ng #ChildrensMonth2023, inilahad ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang 5th State of the City’s Children Report na may temang “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all,” sa Quezon Memorial Circle.
Dumalo ang daan-daang kabataang estudyante sa QC school at daycare centers, child representatives, Sangguniang Kabataan Officials, guardians, parents, teachers, at mga non-government organizations.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin din ng Alkalde na ang bawat bata sa lahat ng panig ng mundo ay may mga karapatan na dapat ay abot-kamay nilang nakakamit.
Tinalakay ni Mayor Joy ang mga isyung pinagdaranan ng mga kabataan sa Lungsod Quezon. Kasama na rito ang nakababahalang datos patungkol sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) at violence against children maging ang tugon ng lokal na pamahalaan upang ito ay maiwasan.
Kasama rin sa iniulat ng Alkalde ang Makabatang Helpline 122 na maaring tawagan ng mga kabataan. Ang mental health issues, children-at-risk at children in conflict with the law, ang QC Unified Referral System, child labor, HIV cases on youth, at ang child-friendly legislations ng QC.
Bahagi rin ng report ni Mayor Joy ang mga programang malaki ang kapakinabangan sa mga kabataan tulad ng QC Birth Registration Online, Early Childhood Care and Development, Zero Illiteracy Program, Learning Recovery Program, Operation Timbang, at mga eco-friendly initiatives ng lungsod.
Inilunsad din sa programa ang QC Unified Referral System Guidebook ng QC Gov’t at World Vision. Layon nitong gabayan ang mga barangay, paaralan, at mga QC departments upang makakalap ng kumpletong datos tungkol sa lagay ng mga kabataan.
Panuorin ang kabuuan ng 5th State of the City’s Children Report dito: https://www.facebook.com/QCGov/videos/314031888085063