Naimbitahan si Mayor Joy Belmonte upang makiisa sa ika-60 anibersaryo ng New Zealand-Philippines partnership.
Ito ay inorganisa ni New Zealand Ambassador to the Philippines, H.E. Dr. Catherine McIntosh upang ipagdiwang ang matibay na samahan at ugnayan ng Pilipinas at New Zealand.
Mas lalo pang naging espesyal ang gabi sa pagtatanghal ng sikat na New Zealand singer-songwriter na si Bic Runga. Isa sa kanyang mga kinanta ang kanyang original song na “Sway”.
Katuwang ng Quezon City Government ang New Zealand sa iba-ibang proyekto para sa QCitizens. Isa na rito ang New Zealand Bioeconomy Institute, na layong palakasin ang kaalaman sa larangan ng food security, food safety, bioeconomy, economic development at ang pagdevelop ng farm-to-market-to-consumer supply chains sa lungsod.










