Simula na ng Palaro! ![]()
Isang makulay at masayang pagbubukas ang ipinamalas sa opening ceremonies ng #PalarongPambansa2026 na ginanap sa Datu Lipus Makapandong DO Plaza Sports Complex.
Mahigit 13,000 delegado mula sa iba-ibang rehiyon ang nagsama-sama para tunghayan ang mayamang tradisyon at makulay na kultura ng Agusan del Sur, na nagsisilbing host ngayong taon.
Dumalo rin sa seremonya sina City Administrator Mike Alimurung, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, QCTD OIC Giana Barata, at PAISD head Engelbert Apostol.
Ngayong linggo, magtatagisan sa iba’t ibang sporting events ang mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya para masungkit ang gintong medalya.
Buo ang suporta at tiwala ng lokal na pamahalaan sa mga student-athlete na kumakatawan sa lungsod at National Capital Region sa Palaro!










