Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsama-sama ang mga eksperto sa ginanap 6th AUN-EEC Conference on Ecological Education and Culture na inorganisa ng Ateneo Institute of Sustainability at ASEAN University Network.
Katuwang sa programa ang GIZ, International Climate Initiative, at Climate Change Commission.
Ibinahagi naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga inisyatibo ng QC sa pagbibigay ng kaalaman sa publiko ukol sa climate change.
Kabilang rin ang pagsulong ng mga programang para palakasin ang partisipasyon ng QCitizens tungo sa environmental sustainability.
Dumalo sa pagtitipon si German Ambassador to the Philippines, Dr. Andreas Michael Pfaffernoschke, kasama ang iba pang mga panauhin.








