Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang kanyang ikaanim na State of the City Address sa mga QCitizen kahapon sa QC M.I.C.E. Center.

Binigyang-diin niya na ang pagtitiwala ng mga QCitizen simula 2019, ay sinusuklian ng paglilingkod na tapat, mabuti, at maayos, nang walang panlilinlang at pag-aaksaya, at higit sa lahat, walang pinagkakautangan.

Binanggit din ng alkalde ang mga tagumpay ng lungsod sa nagdaang taon na nagpabago at nagpabuti sa antas ng pamumuhay ng mga residente.

Kabilang dito ang iba-ibang social services, health, at livelihood programs, climate change initiatives, pagtataguyod sa lungsod bilang top business destination, at pagsisiguro ng maayos at malinis na pamahalaan.

Ibinida naman ni Vice Mayor Gian Sotto ang mga landmark ordinances na napagtagumpayan ng Sangguniang Panlungsod sa nakalipas na taon sa kanyang Legislative Report.

Nakahain na rin ang mga prayoridad na panukala na siyang magpapaangat pa sa bawat sektor at mamamayan ng lungsod.

+65