Mas pinagtibay pa ng Quezon City Government ang kampanya nito para maisulong ang karapatan at kaligtasan ng mga kabataang QCitizen!

Sa ikaanim na State of the City’s Children Report ni Mayor Joy Belmonte, binigyang-diin niya na ang mga kabataan ang sentro at prayoridad sa lahat ng programa ng lungsod.

Responsibilidad ng lokal na pamahalaan, mga magulang, at mga nakatatanda na bumuo ng isang komunidad na ligtas at payapa na kumikilala sa karapatan ng bawat bata.

Tiniyak din ng alkalde na patuloy na bumubuo ang lungsod ng mga programang tutugon sa mga suliranin ng mga kabataan tulad ng child labor, child abuse at exploitation, educational disparities, at malnutrisyon.

Sa mensahe naman ni Vice Mayor Gian Sotto, ibinahagi niya na tungkulin ng mga servant leader na makialam at lumahok sa mga usapin para sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga bata.

Dumalo sa 6th SOCRR ang mga konsehal, opisyal ng lokal na pamahalaan, at daan-daang kabataang QCitizen.

+34