Pitong kabataan ang nakatanggap ng libreng wheelchair mula sa QC Kabahagi Center For Children With Disabilities at The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Sa tulong ng UERM Philippine School of Prosthetics and Orthotics ay na-assemble at nasukat ang mga wheelchair upang masigurong akma at kumportable ang mga ito sa bawat kabataang gagamit.

Para sa iba pang programa ng QC Kabahagi Center for Children with Disabilities, sundan lamang ang kanilang Facebook page.