Naimbitahan si Mayor Joy Belmonte ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro sa pagdiriwang ng kanilang ika-70 anibersaryo na ginanap sa SMX Convention Center sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.

May temang “Dugong Tsino, Pusong Pinoy” ang pagdiriwang ngayong taon na nagbibigay-pugay sa pitong dekada ng makabuluhang kasaysayan ng FFCCCII sa larangan ng negosyo, at pagkakawanggawa, at sa hindi matatawarang ambag ng organisasyon sa lipunan at ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang okasyon sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Former President Gloria Macapagal Arroyo, Sen. Cynthia Villar, Sen. JV Ejercito, Sen. Win Gatchalian, DTI Sec. Alfredo Pascual, DA Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr., at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon. Present din ang ilang Metro Manila Mayors gaya nina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, at San Juan City Mayor Francis Zamora. Dumalo rin ang ilang opisyal ng Lungsod Quezon na sina Coun. Wency Lagumbay at QC Local Economic Investment and Promotions Office Head Jay Gatmaitan.

+14