Hinikayat ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Dental Chapter Inc. (QCDCI) at ang daan-daang dentistang miyembro nito na makiisa sa adhikain ng lungsod na mapangalagaan ang oral health ng mga QCitizen.

Binanggit ito ng alkalde ngayong araw, sa ginanap na 73rd QCDCI Anniversary & Annual Convention & Scientific Conference sa Luxent Hotel.

Ayon pa kay Mayor Joy, handa ang lungsod na magbigay ng suporta sa QCDCI. Makikipagpulong din ang lokal na pamahalaan sa organisasyon para makapagplano kung paano mas mabibigyan ng sapat na oral health services ang mga residente.

+20