Malugod na binabati ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang Philippine Dental Association, Inc. – Quezon City Chapter sa pagdiriwang ng kanilang ika-75 anibersaryo!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte bilang keynote speaker sa opening ceremony ng PDA-QC 75th Anniversary and Annual Convention.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng oral health at ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga dental professional upang maisulong ang accessible at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat QCitizen.
Naging bahagi ng programa si Vice Mayor Gian Sotto bilang inspirational speaker, kasama sina PDA President Dr. Mariusse Chars Esquillo, PDA-QC Incoming President Dr. Maria Tanya Cruz-Dizon, at Outgoing President Dr. Ma. Victoria Limos.
Pinasinayaan rin ang isang exhibit na tampok ang mga naging opisyal ng PDA at ang mga napagtagumpayan at ambag ng organisasyon sa larangan ng oral health sa paglipas ng mga taon.










