Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at South Korea.
Nagsilbing panauhin si Mayor Joy Belmonte sa okasyon, na kasabay rin ng ikalawang anibersaryo ng Hyundai Motors sa bansa.
Sa kasalukuyan, mayroong 15 QCitizens ang benepisyaryo ng automotive scholarship ng Hyundai.
Ang pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor ay isang paraan upang magkaroon pa ng mas maraming programa ang lungsod para sa mga residente.




