Bilang isa sa mga kinikilalang human rights defenders, inimbitahan ng embahada ng France si Mayor Joy Belmonte na dumalo sa ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration on Human Rights sa Paris, France na pinangunahan ni French President Emmanuel Macron. Isinagawa ang event sa Palais de Chaillot, ang parehong venue kung saan pinirmahan ang makasaysayang deklarasyon.
Kinilala si Mayor Joy ng French Government dahil sa kanyang pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan, kabataan, persons with disabilities, persons deprived of liberty (PDLs), LGBTQIA+, people living with HIV (PLHIV), at pagkakaroon ng safe space para sa lahat.
Imbitado rin ang executive director ng Spark Philippines na si Maica Teves, na katuwang ng Quezon City sa mga programang pagpapaunlad ng buhay ng mga kababaihang PDL sa QC Jail Female Dormitory. Binibigyan sila ng oportunidad na matuto ng livelihood skills at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral na bahagi ng “No Woman Left Behind” program ng lungsod.
Kasama rin ni Mayor Joy sa conference at anniversary celebration sina Nobel Peace Prize Awardee Maria Ressa at Gender and Development TWG Head Janet Oviedo.