Dumalo si Mayor Joy Belmonte bilang keynote speaker sa 75th Founding Anniversary Celebration ng Philippine Mental Health Association Inc. (PMHAI).

Nagpasalamat ang Alkalde sa PMHAI sa masugid nilang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan, ukol sa pagbalangkas ng mga programa at proyektong tumutugon sa mental health needs ng QCitizens.

Kasabay ng selebrasyon ang pagbubukas ng art exhibit. Tampok dito ang mga obrang may temang mental health awareness, community building, at inklusibong komunidad.

Pinangasiwaan ni Mayor Joy ang oathtaking ceremony para sa bagong National Board of Trustees ng PHMAI sa taong 2025-2026.

Nakiisa sa programa sina QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, President Ar. Mariano Arce, Jr, National Executive Director Dr. Carolina Uno-Rayco, Corporate Secretary Dr. Lina Laigo, at Exhibit curator Sigwada Knicolai Mendoza.

+25