Kaisa ang Quezon City Government sa paggunita sa Mental Health Awareness Month ngayong Oktubre!
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa 75th Founding Anniversary ng Philippine Mental Health Association (PMHA) sa SEDA Hotel.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy kung paano pinapahalagahan ng lungsod ang kalusugang pangkaisipan ng mga mamamayan.
Quezon City ang unang lungsod na nagkaroon ng polisiya para maisulong ang community-based mental health intervention. Mas pinagtibay at pinaigting pa ito, sa tulong ng QC Mental Health Code na naipasa noong 2022.
Sa mga komunidad, mayroon nang Mental Health Wellness Hubs na nagbibigay ng libreng konsultasyon at gamot sa mga residente. May itinatag na ring sariling mental health assessment at intervention para sa mga empleyado ng QC Hall.
Sa mga paaralan, ang QC ay may anti-bullying and discrimination o BAD ‘yan campaign.
Kasama ng alkalde sa Mental Health Conference sina PMHA President Architect Mariano Arce, PMHA Board of Trustees Secretary Dr. Lina Laigo, at Dr. Anthony Grecia na kinatawan ni Secretary of Health Ted Herbosa.










