Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa paggunita ng ika-75 na Araw ng mga Karapatang Pantao (75th International Human Rights Day), kung kailan pinagtibay ang Universal Declaration of Human Rights ng UN General Assembly noong Disyembre 10, 1948.
Ang tema ngayong taon ay: “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay at Katarungan para sa Lahat,” na sumasalamin sa mga pangunahing prinsipyo ng Deklarasyon.
Mahigpit na pinapahalagaan at kinikilala sa lungsod Quezon ang karapatan ng bawat tao sa maayos na kalusugan, trabaho, edukasyon, tirahan at kalayaan sa pagpapahayag habang itinataguyod ang mabuting pamamahala.