Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsilbing guest speaker si Mayor Joy Belmonte sa 78th annual convention ng International College of Surgeons (ICS) Philippine Section Inc. na ginanap sa Novotel Manila kahapon.
Sa talumpati ni Mayor Joy, hinimok niya ang mga doktor na patuloy na isulong ang pagmamalasakit sa bawat Pilipinong nangangailangan ng lunas at serbisyong medikal.
Dumalo rin sa programa ang mga opisyal ng ICS na sina President Dr. Albert Gironella, President-Elect Dr. Adrien Quidlat, External Affairs Coordinator Dr. Rylan Flores, Secretary Dr. Patrick Cruz, at mga miyembro ng samahan mula sa iba-ibang lugar sa bansa.










