Nagtipon ang mga alkalde at ang mga kinatawan ng iba-ibang lokal na pamahalaan ng Pilipinas sa ginanap na 78th National Executive Board Meeting ng League of Cities of the Philippines (LCP).
Pinangunahan ang pulong nina LCP Acting National President Mayor Joy Belmonte, LCP National Chairman Bacolod City Mayor Alfredo Albelardo Benitez, at LCP National Vice Chairman Pagadian City Mayor Samuel Co.
Nagsilbing Guest Speaker si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin M. Garcia at tinalakay ang mga paghahanda at plano ng kanilang opisina upang matiyak na magiging maayos ang takbo ng halalan sa 2025.
Ipinakita din ng COMELEC sa mga miyembro ng LCP ang bagong automated vote counting machines na gagamitin sa eleksyon sa susunod na taon.
Bukod dito, tinalakay ang iba-ibang mga isyu at problema na kailangang solusyunan ng mga alkalde sa kanilang mga lungsod.