Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa 79th National Executive Board Meeting ng League of Cities of the Philippines (LCP).
Nag-imbita ang LCP ng mga eksperto para magbahagi ng kanilang kaalaman at karagdagang impormasyon ukol sa local governance, urban development, public health, at sa nalalapit na halalan sa Mayo.
Kabilang rin sa tinalakay sa pulong ang mga bagong programa at polisiya ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Ibinahagi naman ni Mayor Joy ang President’s Report bilang Acting National President ng LCP.
Dumalo sa meeting sina DILG Secretary Jonvic Remulla, LCP National Chairman at Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez, LCP Vice Chairman at Pagadian City Mayor Samuel Co, at Secretary-General at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.




