Ginawaran ng pagkilala si Mayor Joy Belmonte bilang Outstanding Mayor sa ginanap na 7th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Accredited National Convention of Public Attorneys nitong nakaraang linggo.
Tinanggap ni Councilor Joseph Joe Visaya ang parangal bilang kinatawan ni Mayor Belmonte. Bilang tugon, nagpaabot ng pasasalamat si Coun. Visaya sa tiwala at patuloy na pakikipagtulungan ng ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Pinangunahan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta ang week-long convention na dinaluhan ng mahigit 2,500 public attorneys mula sa iba-ibang panig ng bansa.