Nagsilbing guest speaker si Mayor Joy Belmonte kasama si Marikina City 1st District Rep. Maan Teodoro sa ginanap na 7th National Women’s Summit na inorganisa ng Miriam College – Women and Gender Institute (WAGI).
Tinalakay ng alkalde ang mga programang napagtagumpayan ng lungsod pagdating sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan.
Pinag-usapan din sa summit ang mga hamon na kinakaharap ng mga kababaihan mula sa iba-ibang sektor at mga hakbang tungo sa pagtugon sa mga ito.
Nakiisa sa ginanap na open forum si Dr. Melanie Reyes, WAGI Executive Director at Chairperson of the Department of International Studies.
Katuwang sa programa ang iba-ibang non-governmental organizations, civil society organizations, at academic institutions.




