Ginunita ng Embassy of Denmark to the Philippines, Embassy of Israel to the Philippines, at Quezon City Government ang ika-80 anibersaryo ng pag-rescue sa mga Danish Jew mula sa mga Nazi.
Nag-alay ng bulaklak sa Philippines-Israel Friendship Park sina Vice Mayor Gian Sotto, Israeli Ambassador HE Ilan Fluss, Danish Ambassador HE Franz-Michael Mellbin, Jewish Association of the Philippines Executive Director Lee Blumenthal, at QC Council Majority Floor Leader Coun. Dorothy Delarmente.
Noong 1943, tinangka ng mga Nazis na paslangin ang mga Danish Jews, pero nailigtas ang nasa 7,800 na katao nang maitago at maitakas ng mga kapwa Danes.
Noong 1934, binuksan din ng Pilipinas ang bansa para sa mga Jewish refugee. Dahil sa tulong na ito sa pangunguna ni Dating Pangulo Manuel Luis Quezon, na-rescue ang aabot sa 1,300 refugees.