ANG AGOSTO AY BUWAN NG WIKA!
Nag-alay ng banal na misa bilang pag-alala sa ika-80 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Pangulong Manuel L. Quezon ang lokal na pamahalaan katuwang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Binasbasan rin ni Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan ang puntod ni Pangulong Quezon sa Quezon Memorial Circle.
Kasunod ng misa ay opisyal nang inilunsad ng KWF ang selebrasyon para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang Filipino: Wikang Mapagpalaya.
Ang espesyal na programang ito ay bilang pag-alala kay Pang. Quezon na siya ring Ama ng Wikang Pambansa dahil sa kanyang adbokasiyang magkaroon ng iisang wika at pagkakakilanlan ang bawat Pilipino.
Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si ACA Don Javillonar, kasama sina ACA Atty. Rene Grapilon, NHCP Executive Director Carminda Arevalo, KWF Chairman Arthur Casanova, KWF Director General Marites Barrios-Taran, KWF Commissioners na sina Benjamin Mendillo, Carmelita Abdurahman, at mga kawani ng QC Tourism Department.