Sama-samang nanalangin ang mga QCitizen sa ikaanim na distrito, sa pagbisita ng imahen ng Our Lady of the Most Holy Rosary – La Naval de Manila sa San Isidro Labrador Parish sa Barangay Pasong Tamo.
Kasamang dumalo at nakiisa sa misa sina Mayor Joy Belmonte, District 6 Rep. Marivic Co-Pilar, Coun. Ellie Juan, Coun. Banjo Pilar, Coun. Kristine Matias, Coun. Vic Bernardo, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at mga punong-barangay.
Pinangunahan din ng alkalde ang panalangin para sa maayos at matiwasay na selebrasyon ng ika-85 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod Quezon.
Bago ang misa, inikot muna ang imahen sa iba-ibang bahagi ng District 1 at District 6. Bukas, dadalaw naman ang La Naval de Manila sa Cathedral-Shrine and Parish of the Good Shepherd sa District 5.