Happy 86th Founding Anniversary, Quezon City! ![]()
![]()
Ipinagdiriwang natin ngayong araw, October 12, 2025, ang ika-86 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod Quezon, sa bisa ng Commonwealth Act 502.
Sa nakalipas na mga taon, ang Quezon City ay nagsilbi at nananatiling simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pag-unlad. Mula sa mga makasaysayang tagumpay hanggang sa makabagong programa at serbisyo, patuloy nating isinusulong ang isang lungsod na mas maunlad at inklusibo.
QCitizens, sama-sama tayong magtulungan upang makamit ang mga mabuting layunin at pangmatagalang paglago ng ating mahal na QC. ![]()
![]()
Bilang bahagi ng selebrasyon, inaanyayahan ang lahat na makilahok sa mga aktibidad na inihanda ng Pamahalaang Lungsod.
Tingnan ang schedule of activities dito: https://www.facebook.com/share/p/17Hi9q9DYR/?mibextid=wwXIfr




