Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga Business Permits and Licensing Officers (BPLOs) sa ginanap na 8th Annual Convention ng National Association of Business Permits and Licensing Officers (NABPLO).
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng integridad at ang patuloy na paglaban sa korapsyon, partikular sa hanay ng mga kawani ng pamahalaan tulad ng BPLOs.
Ayon kay Mayor Joy, ang mga BPLOs ay nagsisilbing mahalagang tulay sa pagpapalago ng ekonomiya ng lokal na pamahalaan, dahil katuwang ang mga ito sa pagpapasigla ng mga negosyo at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
Kasama sa pagtitipon sina NABPLO President Atty. Melanie T. Soriano-Malaya, QC BPLD Head at NABPLO Treasurer Margie Mejia, at ang mga kasapi ng organisasyon.
Nakiisa rin sa programa ang mga kinatawan mula sa iba-ibang ahensya ng pamahalaan: Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Grace Baluyan, Department of the Interior and Local Government (DILG) Asec. Elizabeth Lopez-De Leon, Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. David Almirol, Jr., at Department of Economic Planning and Development (DEPD) Usec. Rosemarie Edilon.








