Pormal nang nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte at University of the Philippines President Atty. Angelo Jimenez ang Usufruct Agreement para sa paggamit ng ilang lupa sa UP Diliman bilang temporary relocation sites sa mga residente dito.
Ayon sa kasunduan, maaaring magamit ng pamahalaang lungsod ang mga lugar na Pook Arboretum at Pook Marilag kung saan maninirahan ang mga QCitizens sa loob ng 25 taon.
Patatayuan din ng housing unit para sa 300 pamilya na naninirahan sa lugar.
Ayon kay Mayor Joy, patuloy lamang ang pakikipagtulungan ng UP at QC government tungo sa pagsulong ng mga programa para sa mga residente ng lungsod.
Kasama sa mga pumirma sa kasunduan sina UP VP for Development Daniel Peckley Jr. at QC Housing Community Development and Resettlement Department head Ramon Asprer.




