#WALANGPASOK | Base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinuspinde ng Malacañang ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at tanggapan ng gobyerno sa buong Metro Manila ngayong Miyerkules, July 24, 2024, dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Hanging Habagat at bagyong #CarinaPH.
Gayunpaman, tuloy ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng serbisyong medikal, disaster at emergency response, at iba pang vital services.
Ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kompanya at opisina ay nakasalalay sa kanilang pamunuan.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.
#StaySafeQC
