Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng Quezon City Hall bukas, July 25, 2024 (Huwebes) dahil sa patuloy na pananalasa ng Habagat.
Matindi ang naging pinsala ng sama ng panahon maging sa mga empleyado ng city hall, at kailangan silang bigyan ng pagkakataon na asikasuhin ang kanilang pamilya at ayusin ang kanilang mga bahay at ari-arian.
Patuloy namang kikilos ang mga naghahatid ng serbisyong medikal, law enforcement, traffic management, disaster at emergency response, at iba pang essential services.
Ipinapaubaya rin sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang operasyon.
