Para tulungan at alalayan ang mga apektado ng bagyong #CarinaPH sa Brgy. Bahay Toro at Brgy. San Antonio, namahagi ng DSWD relief packs ang tanggapan ni District 1 Rep. Arjo Atayde.
Personal din na kinamusta ni Rep. Arjo Atayde ang mga residente na pansamantalang namamalagi sa mga evacuation center.
Katuwang sa distribusyon sina Coun. Charm Ferrer, Kapitan Jun Ferrer, at mga opisyal ng Brgy. Bahay Toro at Brgy. San Antonio.




