Welcome back to school, QC students!
Bumisita si Mayor Joy Belmonte sa iba-ibang paaralan sa lungsod upang kumustahin ang mga mag-aaral at guro sa unang araw ng pasukan.
Maayos na rin ang mga eskwelahan matapos gamiting evacuation centers.
Kabilang sa mga pinuntahan ng alkalde ang San Vicente Elementary School, Quirino ES, Eulogio Rodriguez Sr. ES, at Carlos P. Garcia High School.
Noong nakaraang linggo, namahagi ng kumpletong school supplies ang pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Senior High School.
Nakiisa sa pagbisita sa mga eskwelahan si Education Affairs Unit head Ms. Maricris Veloso at barangay officials.




