
ALUNSINA: Kabuhayan Convention and Bazaar
August 28, 2024
Ang DSWD – Sustainable Livelihood Program (SLP), katuwang ang Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office ay magkakaroon ng “Alunsina: The SLP’s Kabuhayan Convention” mula Agosto 28-30, 2024, sa Risen Garden, Quezon City Hall.Layunin ng aktibidad na ito na ipagdiwang ang tagumpay ng mga kalahok sa SLP sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad na maitampok at mapakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado sa pamamagitan ng isang bazaar.Bilang bahagi ng aming paghahanda para sa selebrasyong ito, ang aming programa ay magsasagawa ng Market Scanning. Layunin ng sarbey ito na malaman ang kagustuhan ng mga mamimili at mga produktong may mataas na potensyal na maging patok sa bazaar. Sa pamamagitan nito, maitatakda namin ang tamang direksyon para sa mga kalahok ng SLP at masisiguro na magiging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.
Kung kaya’t nais po naming hingin ang inyong limang minuto upang sagutan ang form na ito. Ang inyong mga sagot at ang lahat ng nakalap naming impormasyon ay mananatiling kumpidensyal sa loob ng DSWD-SLP at tanging awtorisadong tauhan lamang ang magkakaroon ng access dito.
Maaaring sagutan ang sarbey na ito hanggang ika-9 ng Agosto 2024, alas-dose ng tanghali.
Maraming salamat!
Date: August 28-30, 2024
Venue: Risen Garden, Quezon City Hall