
QC Services Caravan – Brgy. New Era, District 6
August 17, 2024 ANNOUNCEMENT!!!
Magandang Balita sa mga minamahal naming QCitizens ng Brgy. New Era – Distrito Sais!
Sa pangunguna po ng Office of the City Mayor- Quezon City, ikinagagalak po naming ipabatid sa inyo na ang Distrito Sais ay magsasagawa po ng “UNA KA SA SERBISYO CARAVAN” sa araw ng bukas, AGOSTO 17, 2024 sa NEW ERA ELEMENTARY SCHOOL COVERED COURT, BRGY. NEW ERA sa oras na ika-7:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali.
Layunin ng ating minamahal na Mayor Joy Belmonte na mas mapalapit sa publiko ang mga serbisyo, programa at proyekto ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga District Action Offices ng kung saan maaari po ninyong isangguni ang inyong mga katanungan at concerns para mabigyan ng agarang serbisyo.
Makikita sa mga sumusunod na litrato ang mga serbisyo na maaari ninyong tangkilikin.
Magkita-kita po tayo dito QCitizens!
Date: August 17, 2024
Time: 7:00 a.m. to 12:00 n.n.
Venue: NEW ERA ELEMENTARY SCHOOL COVERED COURT, BRGY. NEW ERA