Happy National Aspin Day, QCitizens!
Bilang pagkilala sa mga katutubong aso ng Pilipinas, ipinagdiriwang tuwing August 18 ang National Aspin (Asong Pinoy) Day!
QCitizens, pangkaraniwan man ang mga aspin, katangi-tangi naman ang kanilang tibay, katapatan, at pagmamahal sa tao. Kaya patuloy po nating bigyan ng kalinga ang mga aspin, pagala-gala man sila sa kalsada o alaga sa ating mga bahay.
Para sa mga nais mag-ampon ng aspin, may mga aso po na nasa pangangalaga ng QC Animal Care & Adoption Center na maaari ninyong bigyan ng fur-ever home. https://www.facebook.com/animalcareandadoptioncenter
